Posts

Showing posts from July, 2026

Hindi pa Huli ang Lahat para Magbago

 Akala mo huli ka na? Akala mo maiwan ka na? Marami akong nakakausap na nagsasabi - "30 na ako, wala pa akong narating." "40 na ako, ganito pa rin buhay ko." Idol, hindi karera ang buhay. Hindi porket nauna sila, mas successful na sila sayo. May kanya-kanya tayong oras. May kanya-kanya tayong plano na binigay si Lord. Yung iba 25 pa lang mayaman na, pero 40 pa lang pagod na. Yung iba 40 pa lang nagsisimula, pero hanggang 80 masaya ang buhay. Wag mong ikumpara ang Chapter 1 mo sa Chapter 20 ng iba. Focus ka sa sarili mong kwento. Hindi pa huli ang lahat. Habang humihinga ka, may pag-asa pa. Habang may pangarap ka, may pupuntahan ka. Kaya simulan mo ulit ngayon. Kahit maliit na step lang. Labels: Pangarap, Motivational, Life Lesson

Laban lang, Boholano ka!.

 Mga idol, alam ko pagod ka na. Pagod ka nang lumaban, pagod ka nang umasa, pakiramdam mo wala nang nangyayari sa buhay mo. Pero gusto ko lang sabihin sayo ngayon - Laban lang. Hindi ka binigyan ng pagsubok ni Lord na hindi mo kaya. Kung binigay sayo yan, ibig sabihin kaya mo. Tandaan mo, Boholano ka. Matatag ka. Hindi tayo basta-basta sumusuko. Yung mga taong nang-iiwan sayo, yung mga nangmamaliit sayo, gagamitin lang yan ni Lord para mas lalo kang tumatag. Isang araw, sila din mismo ang bibilib sayo. Kaya kung umiiyak ka ngayon habang binabasa mo ito, okay lang yan. Umiyak ka. Pero bukas, bangon ka ulit. Kasi hindi pa tapos ang kwento mo. Padayon lang idol!

Welcome to Hugoterong Boholano Motivation

 Huwag kang susuko kahit mahirap ang buhay ngayon, dahil lahat ng pinagdadaanan mo ngayon ay parte ng kwento ng tagumpay mo bukas.  Kung napapagod ka, magpahinga ka lang pero wag na wag kang titigil mangarap. Follow mo ako sa Facebook: https://www.facebook.com/Meleciojojie