Hindi pa Huli ang Lahat para Magbago

 Akala mo huli ka na? Akala mo maiwan ka na?


Marami akong nakakausap na nagsasabi - "30 na ako, wala pa akong narating." "40 na ako, ganito pa rin buhay ko."


Idol, hindi karera ang buhay. Hindi porket nauna sila, mas successful na sila sayo. May kanya-kanya tayong oras. May kanya-kanya tayong plano na binigay si Lord.


Yung iba 25 pa lang mayaman na, pero 40 pa lang pagod na. Yung iba 40 pa lang nagsisimula, pero hanggang 80 masaya ang buhay.


Wag mong ikumpara ang Chapter 1 mo sa Chapter 20 ng iba. Focus ka sa sarili mong kwento.


Hindi pa huli ang lahat. Habang humihinga ka, may pag-asa pa. Habang may pangarap ka, may pupuntahan ka.


Kaya simulan mo ulit ngayon. Kahit maliit na step lang.


Labels: Pangarap, Motivational, Life Lesson

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Welcome to Hugoterong Boholano Motivation

Hindi Ko Ito Naunawaan Hanggang Sa Mag-35 Ako. Talagang Sana May Nagsabi Nito sa Akin Noong 25 Ako.