HINDI MO KAILANGANG MAGING MALAKAS PALAGI
“Ang aking biyaya ay sapat para sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nahahayag sa kahinaan.”
— 2 Corinto 12:9
May mga taong sanay magpakatatag.
Sila ang laging inaasahan, laging nakikinig, laging tumutulong, at madalas hindi nagsasabi kapag sila naman ang nasasaktan.
Pero kahit gaano katatag ang isang tao, napapagod din siya.
Minsan iniisip natin na kailangan nating kayanin ang lahat para hindi tayo maging pabigat sa iba. Kaya tinatago natin ang pagod, lungkot, at takot.
Ngumingiti tayo kahit mabigat na ang loob.
Pero hindi hinihingi ng Diyos na maging bakal ang puso mo.
Hindi Niya sinabi na bawal kang manghina.
Hindi kahinaan ang pag-iyak.
Hindi kabawasan ng pagkatao ang pagsasabing, “Hindi ko na po kaya mag-isa.”
There are days when surviving is already enough.
Hindi lahat ng araw ay araw ng tagumpay.
May mga araw na ang pinakamahalagang nagawa mo ay ang bumangon, huminga, at magpatuloy kahit mabigat.
At alam mo ba? Madalas sa mga panahong pinaka-mahina tayo, doon natin mas nararanasan ang tulong ng Diyos.
Kapag wala na tayong maipagmamalaki, doon tayo natututong umasa.
Kapag ubos na ang sariling lakas, doon natin natatagpuan ang biyayang hindi nauubos.
Kung pagod ka na sa kakapanggap na okay ka, puwede kang magpahinga.
Puwede kang maging totoo.
At puwede mong ilapit sa Diyos ang pusong hindi na kayang magpanggap na malakas.
Hindi Niya hinihintay ang perpektong bersyon mo.
Tinatanggap Niya kahit ang pusong sugatan, pagod, at tahimik na humihingi ng tulong. π€π
Comments
Post a Comment